<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5956556048433954683?origin\x3dhttp://xpayasox.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
Nakakapagpabagabag
sino siya?
9:42 PM | Wednesday, December 19, 2007




siya si MARIA CECILIA S. OSIA.
siya ang aking mahal/labs/asawa...
siya ang taong nagpapasaya sa aking araw-araw...
I LOVE YOU... <3


hindi kami magkikita ng matagal tagal.. 'nguy nguy'
pero ayus lang.. kaya naman namin yun eh.. nyahaha...

anu pa ba pwede kong sabihin tungkol sa kanya?
siya na ata ang pinaka maalagang tao sa buong mundo...
siya rin ang pinaka kabadong taong nabubuhay...
may balak ata siyang mag madre kaso syempre hindi na pwede ngayon kasi akin na siya e.. nyahaha..

madaming madami pa kaming pagsasamahan at gagawion sa buhay namin.. masyadong hindi kasya kapag nikwento ko lahat dito.. ehehe

yan na muna sa ngayon..
I LOVE YOU...<3
ALWAYS and FOREVER...

Post a Comment!!


maligayang pasko at maligo ka na sa bagong taon...

huwee!!!
bakasyon na naman sa wakas...
hindi na kailangan gumising ng alas singko...
hindi na kailangan maligo ng nagyeyelong tubig galing sa gripo...
hindi na kailangan umupo sa silya ng kulang kulang anim na oras at makinig sa mga prof na puro kagaguhan lang ang sinasabi...

pahinga pahinga pahinga....

anu mas masaya, pasko o bagong taon?

Post a Comment!!


el ciudad de dios
3:51 AM | Tuesday, December 4, 2007

nitong nakaraang linggo ay sadyang napaka saklap ng buhay dito sa aming tahanan. ang mga sumusunod na rason ang dahilan kung bakit:

1. tatlo ang kompyuter, isa para sa bawat batang nangangailangan, ngunit sa kasamaang palad ay sira ang dalawa.
2. walang pagkain sa imbakan.hindi ko alam kung wala na silang balak maglagay o sadyang malakas lang kami kumain. biruin mo, 2 linggo na walang laman yung cookie jar?! wthit?!!!
3. walang magandang palabas tuwing uuwi ka ng tanghaling tapat. bwisit na hbo yan angdaming pelikula sa mundo paulit-ulit ng pinapalabas.
4. amoy alak ang buong bahay dahil bagong pintura ito.
5. ang kati na ng higaan ko kasi puro lupa na ata (kasalanan ko 'to pero masaklap pa din siya).

ang sarap magreklamo...

don't ask what your government can do for you. ask what can you do for your government.

ang paborito kong subject ngayong sem ay socsci kasi:

1. interesante ang mga paksang pinagaaralan.
2. magaling ang guro. (galing up e)
3. walang reporting.
4. by pair ang quiz. (kaya kayang perpeken.)
5. magaling ako. (hindi naman sa pagyayabang pero magaling talaga ako)

nanunuod kami ngayon ng isang film tungkol sa gawa ni st. agustine na ang pamagat ay CITY OF GOD. hindi pa namin tapos pero magnda siya. panuorin niyo rin kung may oras kayo. may threesome dun. (tama ba spell ko ng trisam?).

tanong: BOBOTANTE ba ang mga pilipino? ilagay ang sagot sa comment o tag bord.

maraming salamat at magandang araw. :]

hindi sila bobotante. kulang lang sila sa tamang impormasyon. isa pa, pumupunta rin sila sa praktikalidad. mahirap ang buhay e, edi pumunta sa kung sino ang kayang magbigay.

may isa pa, hindi sila bobotante. wala lang talagang mapili.

Post a Comment!!


interes ng estado
3:20 AM | Saturday, November 17, 2007

ang saklap talaga ng buhay...
wala na bang nagmamahal sa akin?
wala bang nakakaalala man lang?
sadyang nakakalungkot kapag ilang araw ka hindi humarap sa pc at kapag nagkaroon ka ng pagkakataon na gawin iyon, wala kang makikita.

ibig kong sabihin, angtagal kong hindi nag-pc, bakit wala man lang kahit isang koment sa fs ko? ansaklap naman nun. T_T
tapos yung mga pinupuntahan ko wala ding bago. tinatamad na ba ang buong mundo? o baka naman nung hindi ako nagppc e may lumabas na memo na laos na ang pc? anu ba talaga ang nangyayare?

hindi ako mapakali. balitaan niyo ako.
(andrama naman leche)

kung may isa ka lang wish na pwedeng matupad, anu yun? ilagay ang sagot sa koment. salamat. at bakit pala..

kung may isa akong wish, yun ay ang bumalik ka sakin. JOKE! seryoso na... ahahah... yun ay ang ma-enlighten na ang isip ko sa course na dapat kong kunin. UP is confusing me. >_< bakit? gusto ko eh.

nabubulagan ka lamang leya..
wag kang maniwala sa mga taong gustong iligaw ang iyong landas.. nyahaha

Post a Comment!!


kapit at ng hindi ka mahulog
1:06 AM | Saturday, November 10, 2007


Leah Japson Sumbeling- ang buong pangalan. isinilang noong ika-20 ng marso labimpitong taon ng nakakaraan. pangalawa at tanging babae (pisikal na anyo :] ) sa tatlong anak ng kanyang mga magulang. kasalukuyang nag-aaral sa unibersidad ng pilipinas.
isang dalagang pinanganak upang maging isang alagad ng sining. sa kanyang malikot na isip, kaya niyang sumulat ng mga nakatutuwang kwento tungkol sa kahit anong paksa at idagdag mo pa ang angking galing sa wikang ingles tiyak na magiging makulay ang bawat bagay na kanyang isusulat. pati sa larangan ng pagkuha ng mga litrato ay may talento din ang nilalang na ito. kahit na mas madalas niyang maging paksa ang sarili niyang kagandahan (yeboy) ay naisasalamin pa din ang talentong ito.
masaliksik pagdating sa mga bagay na hindi niya pa nalalaman. mabilis siyang matuto ng mga bagay kung ito ay kanyang gusto. kaagad-agad siyang nahuhumaling sa mga bagay na kanyang natutuklasan.isang halimbawa nito ay si ***.
bakit ko sinasabi ang mga ito?
uhmm... wala lang.. bayad yan kasi siya yung gumawa ng layout ko. isipin niyo na lang may utang na loob ako sa kanya kaya ganyan kainam yung mga nakalagay. ehehe.
salamat leya!
ps: ang ganda mo sa retrato. :]

HAHA ALAM NA >:)

Tama, alam na. >:)

Post a Comment!!


3:02 AM | Friday, August 17, 2007

mabuhay!

wala naman. naisip ko lang maglagay ng post kahit walang kwenta. wala naman kwenta lahat e. wala din naman ako mailalagay. uhmmm isip tayo...

ako ay:
-may sipon,malubha.
-tinatamad na mag-aral. dati pa naman pero mas tinatamad na ngayon bute na lang walang pasok. andame! yey!
-tinatamad dito sa bahay. gusto ko umalis lang ng umalis.
-yosing yosi na.ang aking pantakas.
-kulang pa sa tulog. lagi na kasing puyat e.
-na-lss sa 'one slow dance ng rufio. (but i want you here by my side yey)
-walang pera.
-hindi makapag unli. bwisit na globe yan. papalitan ko sim ko kapag nag ka pera.
-medyo naaaliw na sa pagbabasa pero tinatamad pa din minsan.
-basag.


ayan na lang muna.
paalam.
ily :]

ang galeng ng comments o! haha

Post a Comment!!


anong tawag sa mahilig umupo/ tumayo sa kanto? ALL STAR.
11:07 PM | Thursday, August 2, 2007

PUTA.. wasak na ang aking planong isang linggo sa upd. adik na ako sa pagpunta dun, hulaan mo kung bakit. ahaha. simula lunes andun ako syempre hindi pwedeng walang kasama, si judd.

ayun, sa apat na araw ng pagtambay sa hagdan ng kalayaan ay madaming masayang pangayayare. nakakamiss ang hayskul sobra. lalo na kapag kabarkada yung mga kabarkada ko. ehehe.

walang ginawa kundi tumawa, tumawa at tumawa pa ulit. hindi kami komedyante sadyang masaya lang talaga.
anu ba mga ginawa sa kalay?

1. nakakain na ako ng tangahalian sa upd. tatlong beses, una sa loob ng sc,kasama ko sina judd, trik, arvin at tam. pangalawa at pangatlo dun sa lutong bahay,kasama si chad,judd at leya, masarap at mura lang. tangina mga taga maynila alam lang kasi pera. ahaha. ayun, pagkaen at kwentuhan= SAYA.

2. kung may pagkaing pampabusog syempre may pagkain din para may makain lang. ISAW, dos isa pero masarap, nakakamatay pero who cares? mamatay din naman tayo kahit anong mangyare. MAIS, kinse isa, nakakaadik ampota pero ambilis maubos, hindi ko alm kung maliit ba o sadyang masarap lang. TAHO, sampu isang baso, maiinit, tamang tama para sa laging maulan na hapon sa upd. masarap na pagkain, kwentuhan at libre=SAYA.

3. pagkatapos kumain ano ba gagawin? tambay at syempre yosi. ehehe. hindi lahat nagyoyosi, halos lahat nga ayaw e. kpag may yosi may joke at kapag may joke may mapag titripan. ehehe yosi, joke at gabo=SAYA.

4. kwentuhang walang katapusan syempre. malakas na tawanan at asaran. kapag kami naguusap tatlo lang ata ang topic e: mga pagka bakla ni rap ahahaha, buhok at trivia ng kung anek anek. makabuluhan yung iba yung iba puro kalokohan lang syempre. ehehe. mga kung ano anong kwento, kanya kanyang pananaw at banat ni chad=SAYA

5. hindi kami nakitira lahat dun kaya kailangan namin maghiwahiwalay ulit. tatayo na sa hagdang inupuan ng ilang oras at kakaway at magpapaalam sa lahat. andami namin kaya ang hirap magpaalam, dapat ng magbawas ng kaibigan. ahahaha jokkkkkk lng... dilim, lamok at mahabang paalamanan=SAYA.

shet ang saya ng madaming kaibigan. ehehe mabuhay kami!

sana palaging masaya...
malapit na yung oras na yun... alam ko..

Labels:

Post a Comment!!


Usap Tayo!


Sila

Leya | Cess | Kathba