<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5956556048433954683?origin\x3dhttp://xpayasox.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
Nakakapagpabagabag
tama na pala....
5:20 AM | Saturday, March 24, 2007

Mabuhay! Ako si MARK.

antagal bago nakapag sulat ulit hahaha.bulok.
wala kasi pang kompyuter e.

sa mahal kong nanay at tatay,
Nais ko pong malaman niyo na ako'y lubos na nagpapasalamat sa walang sawa ninyong suporta sa akin. simula po nung pumasok ako sa paaralan ay hindi ninyo ako pinabayaan. kung hindi po dahil sa inyo ay hindi ko matatapos at mararating kung ano man ang mayroon ako ngayon.

Sa nalalapit kong pagtatapos sa mataas na paaralan ay tuloy pa din po ang aking pasasalamat. inaalay ko po ang pangatlo kong pagtatapos sa inyo. nais ko pong malaman ninyo na para sa inyo ang lahat ng aking pinaghirapan, pinaghihirapan at paghihirapan. sa pagtungtong ko po ng kolehiyo ay sana hindi kayo magsawa sa pagsuporta.

Gusto ko pong humingi ng paumanhin sa lahat ng nagawa kong hindi ninyo nagustuhan. alam ko pong mahirap intindihin yung ibang bagay na ginagawa ko at yung ibang desisyon na halos makasira sa relasyon natin. paumanhin po talaga. hindi ko po gustong magkaproblema tayo pero bata pa nga talaga ako at hindi pa gaano nagiisip masyado. hindi ko po napapansin na yung akala kong tama ay hindi pala maganda yung epekto.

Paalam po. sa inyong pagalis kasama ang buo nating pamilya ay lubos ang aking kalungkutan ngunit kakayanin ko pong mabuhay ng mag-isa at maayos. ingatan niyo po ang inyong sarili at pati na rin ang mga kapatid ko. pangako ko pong magsisikap ako para makatapos at pumalit na sa inyong responsibilidad.

SALAMAT!PAALAM!

Ako si MARK ang inyong nagmamahal na anak.

Post a Comment!!


Usap Tayo!


Sila

Leya | Cess | Kathba