<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5956556048433954683?origin\x3dhttp://xpayasox.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
Nakakapagpabagabag
kay louise...
8:24 AM | Sunday, May 27, 2007

louise anne umali manuel



ito ang aking paraan para ipakita ang aking pagpapahalaga sa kanya. kahit na wala akong kwentang manunulat ay susubukan ko pa din maging matino ang mga bagay na ilalagay ko dito.

paano ko ba sisimulan? uhmm...

siya ay isinilang noong ika-14 ng enero taong 1991. ngayon, kung marunong ka magbilang alam mo na kung ilang taon na siya pero kung hindi sasabihin ko na lang. 16 na taong gulang na siya. matanda na daw yun sabi nya.nasabi ko na bang sobrang hinihiling na niya na matanda na siya? dahil yun sa iba't -ibang mga rason na ayaw nya sa pagiging bata. masyadong madami para ilagay, tanungin niyo na lang sya.

panganay sa dalawang magkapatid.pangalan ng kapatid niya ay lyle. mas mahalaga pa sa kanya si lyle kaysa sa mga magulang niya. may mga rason din isya kung bakit ganun. tanung niyo ulit siya.

pangarap niyang maging isang matagumpay na doktor balang araw. sisimulan niya ang pagtupad dito sa pagpasok niya sa unibersidad ng pilipinas sa maynila.

andami pang pwedeng ilagay na impormasyon tungkol sa kanya pero tinatamad na ako magsabi ng kung anu-ano kaya tama na. hahaha. hindi ito ang sulat para sa mga ganung bagay. masydo silang nakakatamad basahin.

mga ilang bagay na katangi-tangi kay louise:

1.vain. hindi naman ako kontra sa ugali niyang ito, siguro wala naman kasi di naman mapagkakailang maganda siya at may karapatan sigurong ipagmalaki o ipakita ang kanyang kagandahan sa mga tao.


2.mapagkumbaba. tama,hindi siya mayabang o ano pa man. kahit alam niya na totoo yung mga papuri para sa kanya hindi pa din siya yumayabang. kasi sabi niya, 'hindi naman' daw siya kung anu man yung sinasabi sa kanya.


3.masungit. ang tingin sa kanya ng maraming tao, lalo na yung mga hindi siya lubos na kilala. pero hindi talaga siya masungit. takot nga siya kapag tinitignan siya ng masama ng mga taong nakakasalubong niya e. gusto niya kasi minsan lang manlambing para daw special.


4.talentado. andami niyang kanyang gawin, hindi siguro yung mga natural na talento gaya ng pagkanta,pagsayaw o kung anu paman na maiisip niyong normal na ginagawa ng isang talentadong tao. pero yung mga bagay niya konti o siya lang nakakagawa at magaling siya sa kung anu mang ginagawa niya. gaya ng:loading.... paki antay na lang matatapos din yan.


5.maitgas ang ulo. kahit na alam niyang masama o bawal sa kanya ang mga bagay na ginagawa niya, sige pa din. kahit pagsabihan mo na. mapapagod ka lang kakasaway, wala din mangyayare. kaya ang mangayayre, papabayaan mo na lang siyang gawin yung mga bagay na gusto niya. wala kang magagawa kapag gusto niya, gusto niya.


6. sawain. lahat ng bagay o gawain ay pinagsasawaan niya. kahit pakiramdam pa yun. walang pinapalagpas ang pasasawa niya. isipin niyo parang ganito yan e, masaya siya ngayon mayamya hindi na kasi sawa na siya maging masaya.ehehehe


7. adik. may mga bagay siyang hindi pa niya siguro pinagsasawaan pero sobrang adik naman siya sa mga ito. gaya ng pc. mas mahal niya pa nga ata yun kesa sa akin e. ahahahah.


8. antukin. nitong mga nakaraang linggo ay nagsimula na niya ako tulugan ng walang paalam. nakakaasar kaya. ehehehe. parang hindi naman kasi siya nagpapakita ng kahit anong indikasyon na inaantok na siya sabay hindi nalang magrereply kasi nakatulog na pala. tapos kinabukasan gigising siya ng mga 11:30, sasabihin niya nakatulog daw siya tapos magpapaalam ulit para matulog. anu ba naman yun di ba??? nakakatawa na nga siya ngayon e. hindi na nakakabadtrip.


9. glamorosa. nabubuhay siya sa isang mundo kung saan hindi normal ang maging simple. hindi mapagkakailang napaka hilig niya ayusin ang sarili niya sa pinaka magarbong ayos na pwede niyang gawin. pero minsan kaya niya maging simple, sabahay siguro nila.


10.ekstraordinaryo. hindi siya ang tipikal na 16 na taong gulang na bata na makakasalubong mo sa daan. hindi siya yung taong sumusunod sa kung ano ang sinasabi ng kanayang paligid. mayroon siyang sariling paniniwala na wala sigurong makakapantaykaya niya maging iba ng walang nasasagasaang iba.




at dito nagtatapos ang sulating ito na para kay louise.
paalam.
hanggang sa susunod.
salamat sa pagbasa.


i love you louise <3






Post a Comment!!


Usap Tayo!


Sila

Leya | Cess | Kathba