<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5956556048433954683?origin\x3dhttp://xpayasox.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
Nakakapagpabagabag
kapit at ng hindi ka mahulog
1:06 AM | Saturday, November 10, 2007


Leah Japson Sumbeling- ang buong pangalan. isinilang noong ika-20 ng marso labimpitong taon ng nakakaraan. pangalawa at tanging babae (pisikal na anyo :] ) sa tatlong anak ng kanyang mga magulang. kasalukuyang nag-aaral sa unibersidad ng pilipinas.
isang dalagang pinanganak upang maging isang alagad ng sining. sa kanyang malikot na isip, kaya niyang sumulat ng mga nakatutuwang kwento tungkol sa kahit anong paksa at idagdag mo pa ang angking galing sa wikang ingles tiyak na magiging makulay ang bawat bagay na kanyang isusulat. pati sa larangan ng pagkuha ng mga litrato ay may talento din ang nilalang na ito. kahit na mas madalas niyang maging paksa ang sarili niyang kagandahan (yeboy) ay naisasalamin pa din ang talentong ito.
masaliksik pagdating sa mga bagay na hindi niya pa nalalaman. mabilis siyang matuto ng mga bagay kung ito ay kanyang gusto. kaagad-agad siyang nahuhumaling sa mga bagay na kanyang natutuklasan.isang halimbawa nito ay si ***.
bakit ko sinasabi ang mga ito?
uhmm... wala lang.. bayad yan kasi siya yung gumawa ng layout ko. isipin niyo na lang may utang na loob ako sa kanya kaya ganyan kainam yung mga nakalagay. ehehe.
salamat leya!
ps: ang ganda mo sa retrato. :]

HAHA ALAM NA >:)

Tama, alam na. >:)

Post a Comment!!


Usap Tayo!


Sila

Leya | Cess | Kathba