nitong nakaraang linggo ay sadyang napaka saklap ng buhay dito sa aming tahanan. ang mga sumusunod na rason ang dahilan kung bakit:
1. tatlo ang kompyuter, isa para sa bawat batang nangangailangan, ngunit sa kasamaang palad ay sira ang dalawa.
2. walang pagkain sa imbakan.hindi ko alam kung wala na silang balak maglagay o sadyang malakas lang kami kumain. biruin mo, 2 linggo na walang laman yung cookie jar?! wthit?!!!
3. walang magandang palabas tuwing uuwi ka ng tanghaling tapat. bwisit na hbo yan angdaming pelikula sa mundo paulit-ulit ng pinapalabas.
4. amoy alak ang buong bahay dahil bagong pintura ito.
5. ang kati na ng higaan ko kasi puro lupa na ata (kasalanan ko 'to pero masaklap pa din siya).
ang sarap magreklamo...
don't ask what your government can do for you. ask what can you do for your government.
ang paborito kong subject ngayong sem ay socsci kasi:
1. interesante ang mga paksang pinagaaralan.
2. magaling ang guro. (galing up e)
3. walang reporting.
4. by pair ang quiz. (kaya kayang perpeken.)
5. magaling ako. (hindi naman sa pagyayabang pero magaling talaga ako)
nanunuod kami ngayon ng isang film tungkol sa gawa ni st. agustine na ang pamagat ay CITY OF GOD. hindi pa namin tapos pero magnda siya. panuorin niyo rin kung may oras kayo. may threesome dun. (tama ba spell ko ng trisam?).
tanong: BOBOTANTE ba ang mga pilipino? ilagay ang sagot sa comment o tag bord.
maraming salamat at magandang araw. :]
